Satire – GeekPinas https://geekpinas.com Philippines Tech News, Guides, and Reviews Thu, 18 Nov 2021 16:19:48 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 Dobleng pamasahe sa mga overweight at matataba aprobado ng Kongreso https://geekpinas.com/dobleng-pamasahe-sa-mga-overweight-at-matataba-aprobado-ng-kongreso/ https://geekpinas.com/dobleng-pamasahe-sa-mga-overweight-at-matataba-aprobado-ng-kongreso/#respond Sat, 21 Sep 2019 17:26:12 +0000 http://shawarma.ph/?p=66 Manila, Philippines – Hindi naging madali para kay Ginang Lourdes Cristobal sa dobleng singil ng konduktor sa jeep matapos aprubahan ang DOPRE (Dobleng Presyo) bill para sa mga pasaherong overweight at matataba.

Sinulong ni Pasig City Mayor Nico Sotto ang nasabing bill. Aniya, hindi patas ang kasalukuyang fare matrix sapagkat nalulugi ang mga UV Express at jeep na bumabaybay sa kalakhang Maynila dahil sa mga pasaherong doble ang upuang inuokopa. Mula 10 peso, 20 peso na ang minimum fare kung aabot sa 70 kilos ang iyong timbang.

Magiging artistahin din daw ang mga Pinoy kung magpapayat ang lahat. It’s also good for the health.

Mayor Nico Sotto

Nagbunyi ang mga transport groups sa naturang bill. Dagdag pa ni Mayor Nico, mas lalong maeenganyong magpapayat ang mga matataba. Magandang ehersisyo ang paglakad at pagZumba, ani Mayor Nico.

Sabi naman ng Palasyo, makatarungan daw ang pag-apruba sa bill sapagkat natural na mas maraming pera ang mga matataba. Nakakabili sila ng mas maraming pagkain kaysa sa mga payat.

Ngunit iginiit ni Senator Cynthia Billar na posibleng bumababa pa ang presyo ng bigas kung maraming Pinoy ang mag-didiyeta.

Ngunit nakapagtataka na walang komento ang mga SOGIE supporters sa DOBPRE bill.

Sabi ng presidente ng Coalition of Overweight Pinoys or COOP, ‘it’s the worst form of discrimation to a human being. Ang pagpapataw ng extra penalty sa mga mas nakakataas ng timbang ay maling mali sapagkat maraming biological at genetic reason kung bakit tumataas at bumababa ang timbang ng isang tao’.

Sabi naman ng ibang pasaherong aming nainterview, wala naman din daw pagkakaiba para sa karamihang biyahero sapagkat kahit payat man o mataba ang sumasakay sa jeep, laging sinasabi ng barker na ‘dalawa pa pwede’ kahit wala na talagang space sa jeep.

Like mo naman Facebook Page namin for more funny stories 😉

]]>
https://geekpinas.com/dobleng-pamasahe-sa-mga-overweight-at-matataba-aprobado-ng-kongreso/feed/ 0
Pilotong Pinoy aksidenteng nakaabot sa buwan https://geekpinas.com/pilotong-pinoy-aksidenteng-nakaabot-sa-buwan/ https://geekpinas.com/pilotong-pinoy-aksidenteng-nakaabot-sa-buwan/#respond Sat, 21 Sep 2019 04:07:33 +0000 http://shawarma.ph/?p=14 Isang magiting na piloto ng Philippine Good Airlines ang nakaabot at nakapaglanding sa buwan kamakailan.

Tubong Samar, Leyte, narating ni Captain Ferdy Mageland Jr., 35, ang pinakasilangang bahagi ng buwan sampung oras matapos siyang makapag-take off mula NAIA, 6 am nang umaga noong September 20. Papunta sanang Vladivostok, Russia si Captain Mageland ng mapansing niyang hindi nagrerespond ang kanyang navigation system. Dahil gumagabi na at may matingkad at mala-dilaw na landing pad ang nasagap ang kanyang radar, minabuti na niyang maglanding at nang makapagpahinga naman siya.

Yung matingkad na bagay na kanyang naaninag ay ang buwan. Buti nalang may dala siyang bandila.

Bibigyan ng parangal si Captain Mageland ng Philippine Aviation & Space Exploration Commission or PASEC sa kanyang di matatawarang tagumpay para sa Pilipinas. Ika nga ni Department of Science and Terminology or DOST Sec. Donato T. Pina, “He was able to plant the Philippine flag to the moon without spending anything! Nakatipid po tayo. Galing talaga ng Pinoy!”

Sa aming panayam kay Captain Mageland, nabanggit din niyang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte at China President Xi Jinping ang magsasabit ng ginintoang medalya. Gawa ng isang national artist ang medalya habang ang mga materials ay galing sa China.

‘Kung ang Estados Unidos, India at Russia ay nakapagpadala ng ilang matagumpay na space missions, at ang mga bansang Asyano naman ay nagpapatimpalak kung sino ang may pinakamaraming pondo para sa kanilang space exploration missions. Hindi talaga papatalo ang Pinoy. We Filipinos don’t need billion dollar funds to succeed. Sipag at tiyag lang po. Minsan din, aksidenteng bumabagsak talaga ang swerte.’

Captain Ferdy Mageland Jr.

Nagbigay rin ng payo si Captain Mageland sa mga kabataan, ‘Dream hard. Reach for the stars. Shoot for the moon!’

Like mo naman Facebook Page namin for more funny stories 😉

]]>
https://geekpinas.com/pilotong-pinoy-aksidenteng-nakaabot-sa-buwan/feed/ 0