| |

Dobleng pamasahe sa mga overweight at matataba aprobado ng Kongreso

Manila, Philippines – Hindi naging madali para kay Ginang Lourdes Cristobal sa dobleng singil ng konduktor sa jeep matapos aprubahan ang DOPRE (Dobleng Presyo) bill para sa mga pasaherong overweight at matataba.

Sinulong ni Pasig City Mayor Nico Sotto ang nasabing bill. Aniya, hindi patas ang kasalukuyang fare matrix sapagkat nalulugi ang mga UV Express at jeep na bumabaybay sa kalakhang Maynila dahil sa mga pasaherong doble ang upuang inuokopa. Mula 10 peso, 20 peso na ang minimum fare kung aabot sa 70 kilos ang iyong timbang.

Magiging artistahin din daw ang mga Pinoy kung magpapayat ang lahat. It’s also good for the health.

Mayor Nico Sotto

Nagbunyi ang mga transport groups sa naturang bill. Dagdag pa ni Mayor Nico, mas lalong maeenganyong magpapayat ang mga matataba. Magandang ehersisyo ang paglakad at pagZumba, ani Mayor Nico.


Sabi naman ng Palasyo, makatarungan daw ang pag-apruba sa bill sapagkat natural na mas maraming pera ang mga matataba. Nakakabili sila ng mas maraming pagkain kaysa sa mga payat.

Ngunit iginiit ni Senator Cynthia Billar na posibleng bumababa pa ang presyo ng bigas kung maraming Pinoy ang mag-didiyeta.

Ngunit nakapagtataka na walang komento ang mga SOGIE supporters sa DOBPRE bill.

Sabi ng presidente ng Coalition of Overweight Pinoys or COOP, ‘it’s the worst form of discrimation to a human being. Ang pagpapataw ng extra penalty sa mga mas nakakataas ng timbang ay maling mali sapagkat maraming biological at genetic reason kung bakit tumataas at bumababa ang timbang ng isang tao’.


Sabi naman ng ibang pasaherong aming nainterview, wala naman din daw pagkakaiba para sa karamihang biyahero sapagkat kahit payat man o mataba ang sumasakay sa jeep, laging sinasabi ng barker na ‘dalawa pa pwede’ kahit wala na talagang space sa jeep.

Like mo naman Facebook Page namin for more funny stories 😉

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *