|

Pilotong Pinoy aksidenteng nakaabot sa buwan

Isang magiting na piloto ng Philippine Good Airlines ang nakaabot at nakapaglanding sa buwan kamakailan.

Tubong Samar, Leyte, narating ni Captain Ferdy Mageland Jr., 35, ang pinakasilangang bahagi ng buwan sampung oras matapos siyang makapag-take off mula NAIA, 6 am nang umaga noong September 20. Papunta sanang Vladivostok, Russia si Captain Mageland ng mapansing niyang hindi nagrerespond ang kanyang navigation system. Dahil gumagabi na at may matingkad at mala-dilaw na landing pad ang nasagap ang kanyang radar, minabuti na niyang maglanding at nang makapagpahinga naman siya.

Yung matingkad na bagay na kanyang naaninag ay ang buwan. Buti nalang may dala siyang bandila.


Bibigyan ng parangal si Captain Mageland ng Philippine Aviation & Space Exploration Commission or PASEC sa kanyang di matatawarang tagumpay para sa Pilipinas. Ika nga ni Department of Science and Terminology or DOST Sec. Donato T. Pina, “He was able to plant the Philippine flag to the moon without spending anything! Nakatipid po tayo. Galing talaga ng Pinoy!”

Sa aming panayam kay Captain Mageland, nabanggit din niyang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte at China President Xi Jinping ang magsasabit ng ginintoang medalya. Gawa ng isang national artist ang medalya habang ang mga materials ay galing sa China.

‘Kung ang Estados Unidos, India at Russia ay nakapagpadala ng ilang matagumpay na space missions, at ang mga bansang Asyano naman ay nagpapatimpalak kung sino ang may pinakamaraming pondo para sa kanilang space exploration missions. Hindi talaga papatalo ang Pinoy. We Filipinos don’t need billion dollar funds to succeed. Sipag at tiyag lang po. Minsan din, aksidenteng bumabagsak talaga ang swerte.’

Captain Ferdy Mageland Jr.

Nagbigay rin ng payo si Captain Mageland sa mga kabataan, ‘Dream hard. Reach for the stars. Shoot for the moon!’

Like mo naman Facebook Page namin for more funny stories 馃槈

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *